Lider ng carnapping/hijacking syndicate arestado
January 18, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Bumagsak sa mga kamay ng operatiba ng 4th Traffic Management Group at Batangas-Criminal Investigation and Detection Group ang lider ng kilabot na hijacking/carnapping syndicate na umano ay konektado sa ilang tiwaling tauhan ng pulisya na tumatayong protektor sa isinagawang operasyon sa kanilang safehouse sa Brgy. Alalum, Batangas City, kahapon ng umaga.
Nasamsam ng mga awtoridad sa nasabing operasyon ang isang 9mm caliber, Honda Civic na may plakang UMJ-888 at owner-type jeep na parehong karnap.
Kinilala ni Supt. Romeo Gatan, TMG4 chief ang nadakip na si Joselito Manalo, alyas Totot at nakatira sa Brgy. Alalum, Batangas City.
Si Manalo ang umano ay lider ng naturang sindikato na responsable sa naganap na hijacking sa Barangay Dominador, Alitagtag, Batangas na dito hinarang nila ang isang ten-wheeler cargo truck na naglalaman ng kargamento na nagkakahalaga ng P1.4 milyon sa kahabaan ng national highway.
Kasalukuyan isang follow-up operation ang isinasagawa ng pulisya sa iba pang kasamahan ng sindikato na nakilalang sina Pedro Dolor, alyas Pulangga; Pablo Arante, alyas Serge; Rolando Dolor, alyas Rolly; Romeo Mendoza at Ruben Lopez.
Samantala masusi namang sinusubaybayan ng mga awtoridad ang ilang tiwaling tauhan ng pulisya na tumatayong protektor ng sindikato. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest