Sa labing-anim na pahinang resolution na ipinalabas ni State Prosecutor Raul Paul Hernandez, sinabi nito na hindi naging matibay ang iprinisintang ebidensiya ng biktimang itinago sa pangalang Michelle.
Idinagdag pa ni Hernandez na hindi naging magkakatugma ang ibinigay na salaysay ng biktima kung kayat itoy di pinaniwalaan ng prosecution.
Magugunita na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong rape laban kay Gov. Murillo noong Hulyo 11, 2000 makaraang magsumbong ang biktima kasama ang ina nito.
Sinasabing ang insidente ay unang naganap noong Hunyo 25, 1999 sa Aberdeen Court, kung saan inimbita umano ni Gov. Murillo ang biktima na magtungo sa SM City upang bumili ng tennis racket, ngunit dinala umano siya ng suspek sa nabanggit na lugar at doon isinagawa ang panghahalay.
Ang insidente ay nasundan pa umano noong Hulyo 29 at Agosto 1999 sa Shangrila Hotel, Mandaluyong City at dahil ditoy napilitan na umanong magsampa ng kasong rape ang biktima.
Kasabay din nito, ibinasura din ng DOJ ang kasong perjury na isinampa ni Gov. Murillo laban sa biktima at sa ina nitong si Minerva Espinosa dahil din sa kawalan ng matibay na ebidensiya. (Ulat ni Grace Amargo)