MMDA Chairman Binay kakasuhan
January 17, 2001 | 12:00am
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7856 o mas kilala bilang Act for Establishment and Management of National Integrated Protected Areas ng United Antiqueños Againts Garbage Dumping on Semirara Island si MMDA Chairman Jejomar Binay.
Sinabi ni Atty. Xavier Fornier na isasampa nila ang nasabing kaso sa tanggapan ng Ombudsman at sa Antique Regional Trial Court kung isusulong ng MMDA ang proyektong dumping site sa Semirara Island.
Binigyang-diin nito na ang gagawing proyekto ng MMDA ay tahasang paglabag sa nabanggit na batas dahil sa hindi nito binibigyan ng proteksyon ang kalikasan.
Binigyang diin pa ng mga Antiqueños na malalagay sa panganib ang kalusugan ng mga mamamayan na naninirahan dito at tiyak na masisira ang likas na yaman sa naturang lugar. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Cristina Timbang | 17 hours ago
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am