Anak ni ex-Vice President Pelaez, nakatakas sa mga kidnaper
January 14, 2001 | 12:00am
ILIGAN CITY - Nakatakas matapos makipagbuno sa isa niyang abductor ang anak ni dating Vice-president Emmanuel Pelaez na kinidnap may walong linggo na ang nakakaraan, ayon sa ulat ng pulisya.
Ang nakatakas sa pagkabihag ay nakilalang si Enrico Pelaez, managing director ng Northern Mindanao Development Bank.
Mabilis na nakalayo sa kanyang mga kidnapper ang biktima at agad na nagsumbong sa pulisya.
Dalawa ang inaresto kaugnay sa naganap na pagkidnap.
Bagamat pumayat ang biktima dahil sa walong linggong pagkabihag, sinabi naman ng pulisya na ito ay maayos na naibalik sa kanyang pamilya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am