^

Probinsiya

4 pakete pa ng shabu, lumutang sa Ilocos Sur

Doris Franche-Borja, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na pakete pa ng shabu ang natagpuan ng mga mangingisda na palutang-lutang sa karagatang sakop ng Ilocos Sur nitong Linggo at Lunes ng hapon. 

Batay sa report ng awtoridad, dalawang pakete ng shabu ang nakita ng mga mangi­ngisda sa Brgy. Puro, Magsingal, Ilocos Sur nitong Lunes at dalawa rin sa Brgy. Villamar, Caoayan, Ilocos Sur.

Ang mga pakete ay may Chinese markings na katulad ng markings ng naunang 79 pakete ng droga na nasamsam noong nakaraang linggo.

Nasa kabuuang P598,400,000 ang hala­ga ng 83 pakete o tinatayang 88,000 gramo (88 kilo) ng shabu na narekober ng mga awtoridad.

Sinabi ni Ilocos Sur Board Member Efren Rafanan na magbibigay ang provincial government ng P50,000 incentive sa bawat mangi­ngisda na magsusuko ng matatagpuang shabu habang P5,000 naman sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Bumuo na rin ng Special Investigation Task Group ang Ilocos Sur Provincial Police na magsisiyasat sa mga nasasabat na shabu na may Chinese  markings.

Pamumunuan ni Colonel Darnell Dulnuan ang task group kasama ang PDEA, Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Police, PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) at Forensic Group.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with