COMELEC inireklamo sa isyu ng voters registration
January 10, 2001 | 12:00am
BALAGTAS, Bulacan Isang opisyal ng Commission on Election (COMELEC) na nakatalaga sa bayang ito ang inireklamo sa tanggapan ng Bulacan-PNP Intelligence and Investigation Command dahilan sa umano ay pagsasagawa nito ng voters registration kahit lagpas na sa taning na araw na ipinatupad ng nasabing komisyon.
Ayon sa reklamong isinumite ni Balagtas Vice-mayor Emmanuel Galvez, labag umano sa kautusan ng Omnibus Election Code ang ginawa ni Atty. Zoilo Reyes, Municipal Comelec Officer sa bayang nabanggit.
Binanggit pa ng bise-alkalde na nang magsagawa ito ng rehistrasyon sa mga botante noong nakalipas na Enero 5, 2001 ay sa bahay pa mismo ng kanilang alkalde na si Reynaldo Castro sa Barangay Burol 2nd ng bayang nabanggit ito isinagawa kung saan ay ipinagmalaki pa nito na maraming mga kabataan ang nagparehistro, gayung ang ginanap na voters registration ay natapos na noon pang nakalipas na Disyembre 27, 2000 batay sa kautusang ipinalabas ng komisyon.
Binanggit din sa reklamo na bukod sa ilegal na ginawang rehistrasyon, ay nagbenta pa umano ng registration forms ang nasabing Comelec official sa nabanggit na alkalde na siyang ginamit sa tinawag nilang special voters registration.
Ang reklamo ay nakatakdang dalhin sa tanggapan ng Comelec, samantalang sasampahan din ng reklamo sa DILG ang nabanggit na mayor, dahilan naman sa ginawa nitong pagkikipagsabwatan sa ginanap na ilegal na rehistrasyon.
Hindi naman agad nakunan ng panig ang dalawa. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest