^

Probinsiya

P1-milyon natangay ng mga holdaper sa bangko

-
TAYTAY, Rizal – Apat na hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ang nanloob sa isang bangko kung saan nakatangay ang mga ito ng mahigit sa isang milyong cash at ikinulong pa ang anim na empleyado at dalawang security guard sa safety vault ng bangko bago tumakas, kamakalawa ng umaga sa bayang ito.

Ayon kay Superintendent Ferdinand Santos, hepe ng Taytay Police naganap umano ang panloloob sa Real Bank sa may Ortigas Avenue Extension sa Barangay San Isidro dakong alas-11:30 ng tanghali.

Dalawa umano sa mga suspect ang nagpanggap na kostumer at nagpakita pa ng bank book sa security guard na si Jaime Casido. Nang makalapit ay pinukpok si Casido ng baril at doon na nagpahayag ng holdap.

Dito naman pumasok ang dalawang kasamahan ng naunang mga suspect at agad na tinutukan ang mga empleyado. Pinabuksan sa manager ng bangko ang safety vault.

Matapos makuha ang pera ay puwersahang pinapasok ang lahat ng empleyado at dalawang sikyu sa vault at saka isinara bago tuluyang tumakas dala ang may isang milyong pera ng bangko. (Ulat ni Danilo Garcia)

APAT

AYON

BARANGAY SAN ISIDRO

CASIDO

DANILO GARCIA

JAIME CASIDO

ORTIGAS AVENUE EXTENSION

REAL BANK

SUPERINTENDENT FERDINAND SANTOS

TAYTAY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with