^

Probinsiya

Sundalo grabe sa pakikipagtalo sa pamasahe

-
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang aktibong miyembro ng Phil. Army matapos makipagtalo sa isang hindi pa nakikilalang lalaki na tumangging magbayad ng pamasahe sa isang pampasaherong jeepney sa Davao City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si PFC Figuema, nakatalaga sa Headquarters Support Group ng Phil. Army at residente ng Pag-asa, Agdao ng nasabing lunsod.

Ang naturang sundalo ay nasa malubhang kalagayan ngayon sa Mission Hospital na pinagdalhan dito.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-9:40 ng gabi ng sumakay si Figuema sa isang pampasaherong jeepney galing sa Bangkal, Davao City patungong Agdao. Pagsapit sa Quezon Boulevard ng naturang lunsod tumanggi umano ang isang lalaki na kanyang nakasakay na magbayad ng pasahe at matapang pa ito na nakipagtalo sa konduktor ng jeepney.

Dito’y nakialam si Figuema at pinagsabihan ang lalaki hanggang sa magkasagutan ang dalawa. Sa pagkakataong ito ay binunot ng lalaki ang kanyang kalibre. 38 baril at pinagbabaril ang sundalo na noon ay walang dalang armas.

Nasapul ng tama ng bala sa kanang sentido ang biktima na agad na bumulagta, samantalang mabilis namang tumakas ang suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AGDAO

BANGKAL

BATAY

CAMP CRAME

DAVAO CITY

FIGUEMA

HEADQUARTERS SUPPORT GROUP

JOY CANTOS

MISSION HOSPITAL

QUEZON BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with