Rumesponde sa nagwawalang senglot, binata inutas
January 1, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite - Hindi na umabot pa sa pagdiriwang ng Bagong Taon ang isang 20-anyos na lalaking rumesponde sa kaguluhan sa loob ng videoke bar at nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang kalalakihan kahapon ng madaling araw sa Brgy. Sta. Lucia ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodenin Baclor, alias Jojo, isang tricycle driver at residente ng block 4, lot 14 Cardinal Village 2, Brgy. Salitran ng naturang bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas 3 ng madaling araw, kahapon matapos na komprontahin ng biktima ang mga suspek sa loob ng Salome videoke bar na matatagpuan sa nasabing brgy.
Ayon sa ulat, humingi ng tulong ang isang hindi nakilalang GRO sa biktima upang pigilin ang dalawang suspek sa pagpapaputok ng baril sa loob ng nasabing videoke bar.
Kaagad naman rumesponde ang biktima mula sa kinatatayuang tindahan na hindi kalayuan sa nasabing lugar sa kahilingan ng GRO.
Dahil sa lango sa alak ang dalawang suspek at nairita sa pinagsasabi ni Baclor ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest