Granada sumabog: 1 patay, 8 grabe
December 30, 2000 | 12:00am
Walo katao ang grabeng nasugatan makaraang tanggalan ng pin ng isang nagwawalang lalaki na lango sa alak ang isang granada na biglang sumambulat na ikinasawi nito sa isang party sa bayan ng Aurora, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nasapul ng tama ng sharpnel ang nagwalang lasing na sibilyan na nakilalang si Ronald Cagais nang sumabog ang granada na hawak nito.
Nakilala naman ang walong sibilyan na grabeng nasugatan na sina Roel Salisi, Dennis Aligato, Democrito Canpilla, Gladys Salisi, Bonnie Abendanio, Rodel Malinao, Noralyn Salisi at Ronnie Malinao.
Nabatid na ang insidente ay naganap pasado alas- 5 ng hapon habang isang lupon ng mga sibilyan ang kasalukuyang nagkakasayahan sa kanilang ginaganap na party sa Sitio Lusno, Barangay Balas, Aurora, Zamboanga del Sur. Bigla na lamang umanong nagwala si Cagais hawak ang isang granada na ipinananakot pa nito sa mga nagsasayang sibilyan na dumalo sa party. Walang pasintabing binunot ng lasing na si Cagais ang pin ng granada at ilang iglap pa ay biglang sumabog.
Halos nagkagutay-gutay ang katawan ni Cagais habang minalas ring tamaan ang walo pang sibilyan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest