^

Probinsiya

Lola ginahasa na, pinatay pa

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang 57-anyos na lola na may kapansanan sa pag-iisip ang iniulat na dinukot, ginahasa at pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin na hinihinalang mga drug addict ang natagpuan sa isang madamong lugar sa Barangay San Vicente, Tarlac, kamakalawa.

Sa ulat na isinumite ng Tarlac Provincial Police Office sa tanggapan ng Central Luzon- PNP, nakilala ang biktima na si Maria Elena Quiballo, 57, residente ng Barangay San Vicente sa naturang lalawigan.

Magang-maga ang ari at mukha ng biktima nang matagpuan ng pulisya sa isang abandonadong subdibisyon sa nasabing lugar at halos mapuno ng mga pasa sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan tanda na dumanas ito ng matinding pahirap sa mga suspect bago tuluyang pinatay.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, huli umanong nakitang buhay ang biktima isang araw bago nadiskubre ang bangkay nito na pilit na isinasama ng dalawang hindi nakikilalang lalaki .

Lumipas ang isang araw ay natagpuan ang bangkay nito sa madamong lugar sa Magsaysay Subdivision na doon hinihinalang itinapon ng mga salarin ang bangkay nito.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY SAN VICENTE

BATAY

CENTRAL LUZON

ISANG

JEFF TOMBADO

LUMIPAS

MAGANG

MAGSAYSAY SUBDIVISION

MARIA ELENA QUIBALLO

TARLAC PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with