Suspek sa Bacolod massacre tiklo
December 29, 2000 | 12:00am
Matapos ang 11-araw na pagtatago sa batas, nadakip na rin sa wakas ng mga awtoridad kahapon ng madaling-araw ang suspek na nag-masaker sa pamilya Rivilla at dalawang katulong ng mga ito kamakalawa sa Bacolod City.
Ang suspek na nakilalang si Bemon Gallo, 20, na dating katulong ng nasabing pamilya ay nadakip ng mga tauhan ni Police Regional Office 6 director Chief Supt. Julius Yarcia dakong alas-3:30 ng madaling-araw kahapon sa Brgy. Tabunan, Sagay City, Negros Occidental.
Nakumpiska mula sa suspect ang isang panlalaking Omega wristwatch at isang gintong kuwintas na may pendant na pinaniniwalaang tinangay nito sa kanyang pagtakas matapos ang karumal-dumal na krimen.
Ayon sa pulisya, kumbinsido na sila ngayon na si Gallo lamang ang nag-iisang suspek sa pagpaslang kina Carlos Rivilla, 76, asawa nitong si Florenda, 75, anak na si Benrico, 36, at mga apong lalaking sina Marck, 13, Michael 11, at Juvy, 9.
Pinaslang din ng suspek ang dalawang katulong ng pamilya na sina Ritchelle Gonzales at Dolores Ogates, kapwa taga-San Carlos City habang nasugatan naman ang driver ng pamilya na si Rudy Alfonso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest