^

Probinsiya

CAFGU nag-amok: 3 patay

-
EASTERN SAMAR — Tatlo katao kabilang dito ang isang paslit, ang iniulat na nasawi makaraang mag-amok ang isang miyembro ng CAFGU na nasa impluwensiya ng alak, kamakalawa ng gabi sa isang barangay sa Borongan, Eastern Samar.

Halos lumuwa ang bituka ng mga biktimang nakilalang sina Salome del Monte, 15, at ang nakababata nitong kapatid na si Pipoy, 5. Nasawi rin sa insidente si Severino Busa, pawang residente ng Sitio Bagong Barrio, Borongan, ng nasabing lalawigan.

Nakilala naman ang suspek sa apelyido nitong si Bajado, CAFGU na nakatalaga sa 14th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Sa ulat, lumilitaw na paghihiganti ang motibo nang pagpatay ng suspek sa mga biktima.

Naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa mismong tahanan ng mga biktima.

Nabatid na bago naganap ang krimen ay nakaaway umano ng suspect si Rodrigo del Monte, ama nina Salome at Pipoy. Kapwa umano lasing ang dalawa nang ito ay magtalo. Nasaksak umano ng matandang del Monte ang suspek at pagkatapos ay tumakas na ito.

Kahit sugatan ay umuwi ang suspek sa kanilang bahay at kumuha ng jungle bolo at saka tinungo ang tahanan ng mga del Monte upang gumanti.

Hindi nito inabot ang matandang del Monte kung kaya ibinaling nito ang galit sa dalawang anak.

Papatakas na ang suspek nang makita nito ang nag-uusyosong si Busa na kanya ring tinaga at napatay.

Matapos namang mahimasmasan ay sumuko sa mga awtoridad si Bajado. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAJADO

BORONGAN

BUSA

EASTERN SAMAR

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KAHIT

PIPOY

SEVERINO BUSA

SITIO BAGONG BARRIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with