^

Probinsiya

Selosong mister nagpakamatay

-
DASMARIÑAS, CAVITE – Isang 23-anyos na mister ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti dahil lamang sa sobrang pagseselos nito sa kanyang misis, kamakalawa ng gabi sa Barangay Burol Main ng bayang ito.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang nagpakamatay na mister na nakilalang si Alberto Solber, construction worker, residente sa nabanggit na lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Cornelio Bugayong, may hawak ng kaso na dakong alas-8 ng gabi nang matagpuan ng misis nito ang bangkay ng kanyang mister na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay. Isang kable ng kuryente ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Nabatid pa sa salaysay ng asawa ng nasawi na nakilalang si Gng. Theresa Solber, 26, na bago naganap ang pagpapakamatay ng kanyang asawa ay napapansin na niya na palagi itong walang kibo.

Nagiging madalas din umano ang pagseselos nito na kahit sino ang kanyang kausap ay pinagseselosan.

Nang araw na iyon ay nagpaalam pa ang misis na pupunta lamang sa kanyang tiyahin para mamasko. Iniwan pa nga niya ang kanilang sanggol sa kanyang mister.

Pagbalik niya ng bahay galing sa pamamasko ay doon niya nadiskubre ang ginawang pagpapakamatay ng kanyang asawa. (Ulat ni Cristina Timbang)

vuukle comment

ALBERTO SOLBER

BARANGAY BUROL MAIN

BATAY

CORNELIO BUGAYONG

CRISTINA TIMBANG

GNG

INIWAN

ISANG

KANYANG

THERESA SOLBER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with