^

Probinsiya

Ilegal na katayan ng hayop sa Cavite minamatyagan

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Nakipag-ugnayan kahapon ang may 20 alkalde sa mga munisipalidad at tatlong lunsod sa lalawigan ng Cavite kay Dr. Efren Nuestro, director ng National Meat Inspection Commission upang pag-ibayuhin ang pagbabantay sa mga ilegal na pagkatay ng mga hayop na ibebenta sa mga pamilihang bayan at lungsod.

Ginawa ito ng mga lokal na opisyal sa lalawigan upang mabantayang mabuti ang mga pamilihang bayan at lungsod sa Cavite para masuring mabuti ang mga ibinebentang karne na partikular na ang baboy at baka ay dumaan sa matinding pagsusuri para na rin sa kalusugan ng mga mamimili.

Nabatid na marami ang inaasahang magsasamantala sa ganitong mga okasyon lalo na ngayong Media Noche at Noche Buena na magkatay ng mga hayop kahit na may sakit at dalhin sa mga pamilihang bayan. (Ulat ni Mading Sarmiento)

CAVITE

DR. EFREN NUESTRO

GINAWA

MADING SARMIENTO

MEDIA NOCHE

NABATID

NAKIPAG

NATIONAL MEAT INSPECTION COMMISSION

NOCHE BUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with