Mag-lola kinatay at sinunog ng adik
December 22, 2000 | 12:00am
BALUD, Masbate Karumal-dumal ang sinapit ng isang mag-lola na pinagsasaksak at saka sinunog ng isang adik sa Barangay Dao sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawing mag-lola na sina Delfina Baldesmo, 60, biyuda at ang apo na si Emelyn Oliva, 14, 2nd year high school student.
Samantala, ang suspect na nagtangka pang tumakas matapos ang isinagawang krimen subalit nadakip din ng mga awtoridad ay nakilalang si Abner Ramos, 25, binata, magsasaka, sinasabing isang adik sa naturang lugar.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-8 ng gabi habang ang mag-lola ay natutulog sa loob ng kanilang bahay nang biglang pumasok ang suspect.
Una nitong pinuntirya ang natutulog na dalagita na pinagsamantalahan.
Dahil sa nilikhang ingay ay nagising ang lola ni Emelyn at nagtungo sa kuwarto ng apo.
Gayunman, mabilis itong sinunggaban ng saksak ng adik na suspect at pagkatapos ay isinunod pa ang apo ng matanda.
Matapos mapatay ang mag-lola ay binuhusan pa ng gas ng suspect ang bangkay ng mga ito at ang paligid ng bahay at saka sinilaban para mailigaw ang mga awtoridad.
Mabilis na nagliyab ang bahay ng mag-lola na naging dahilan upang magising ang mga kapitbahay na nakakita sa suspect na noon ay papatakas.
Subalit hindi ito nakalusot sa mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Sa isinagawang interogasyon sa suspect inamin nito ang ginawang krimen, kasabay nang pagsasabing ginahasa pa niya ang dalagita bago niya tuluyang pinatay.
Sinabi pa sa ulat na si Emelyn ay kinuha ng kanyang lola sa mga magulang nito dahil sa wala siyang kasama sa bahay. Ang matandang biktima rin umano ang siyang nagpapaaral sa dalagita. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 17 hours ago
By Cristina Timbang | 17 hours ago
By Tony Sandoval | 17 hours ago
Recommended