Masaker sa Bulacan: 3 patay
December 21, 2000 | 12:00am
Apat na miyembro ng isang pamilya na kagagaling sa pagsundo sa kanilang kaanak sa airport ang minasaker ng umanoy may-ari ng kanilang inuupahang bahay kamakalawa ng gabi sa Pinagkabalian Road, Obando, Bulacan.
Namatay noon din ang mga biktimang sina Edgardo Soguilon, 52, anak na si Erwin, 28, asawa nitong si Nenita, 26 na bagong dating na Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Japan at kritikal naman sa Manila Central University (MCU) si Lacender Soguilon, 17, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Guiller Brinas, 38, may-ari ng inuupahang bahay ng biktima at isang hindi nakikilalang kasama nito.
Batay sa ulat ng pulisya na dakong alas 11:30 ng gabi ay kararating lang ng pamilyang Soguilon mula sa pagsundo nila sa airport kay Nenita na balak magdiwang ng kapaskuhan dito.
Habang sila ay papasok na sa bahay ay dumating ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at agad na pinaulanan ng bala ang mga biktima at mabilis na tumakas.
Sa pagsisiyasat ng pulisya mayroong alitan ang suspek at ang matandang Soguilon ukol sa pagpapaalis ng una sa huli na hindi umano nakakapagbayad ng kanilang upa sa bahay. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended