^

Probinsiya

Nanlaban sa mga kidnaper, anak ng gobernador kritikal

-
ILIGAN CITY – Malubhang nasugatan ang anak ng gobernador sa Lanao del Norte matapos na manlaban sa tatlong armadong kalalakihan na nagtangkang dumukot sa kanya at puwersahang umagaw sa kanyang bagong sasakyan sa Payawan, Balo-i, ng naturang lalawigan.

Nakilala ang biktima na si Nasrullah Dimaporo, 17, anak ni Gov. Imelda Dimaporo ng Lanao del Norte. Siya ay nagtamo ng 18 saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan at ngayon ay inoobserbahan ng mga doktor sa isang pagamutan dito.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay bumisita sa kanyang guro sa Barangay Palao upang magtanong tungkol sa aralin.

Nang siya ay pabalik na sa kanyang sasakyan ay biglang lumapit ang tatlong suspect at puwersahang pinasakay ang biktima sa kanyang sasakyan at saka pinatakbo patungong Lanao del Sur.

Sa loob ng sasakyan ay nanlaban ang biktima kung kaya pinagsasaksak siya ng mga suspect at saka inihulog sa Payawan, Balo-i, Lanao del Norte.

Mabilis na tumakas ang mga suspect dala ang bagong sasakyang pag-aari ng biktima.

Nabatid na ang mga suspect ay miyembro ng Dampac Gang na nakabase sa Pualas, Kabawi, Bayang at Madalum, Lanao del Sur na agad namang sumuko kay dating Gov.Andullah Dimaporo ng Lanao del Norte kamakalawa ng gabi.

Hindi agad natukoy ang pangalan ng mga ito. (Ulat ni Lino dela Cruz)

vuukle comment

ANDULLAH DIMAPORO

BALO

BARANGAY PALAO

BAYANG

DAMPAC GANG

IMELDA DIMAPORO

LANAO

NASRULLAH DIMAPORO

NORTE

PAYAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with