^

Probinsiya

Adik nag-amok: 2 katao patay, isa pa grabe

-
Dalawa katao ang iniulat na nasawi kabilang ang isang pitong-taong gulang na batang lalaki habang isa pang paslit ang nasa kritikal na kondisyon makaraang mag-amok ang isang lalaki na pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na droga, kamakalawa sa Carmen, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Abdul Bayan Makod, isang magsasaka at Abdularazak Pigcaulan, 7, habang malubhang nasugatan ang kapatid nitong si Abdul Hamid, 9.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nabatid na dakong alas-4:30 ng hapon habang naglalakad pauwi sa kanilang tahanan sa bisinidad ng Brgy. Gen. Luna si Makod ay nakasalubong nito ang di-nakilalang suspek na nagwawala.

Wala umanong nagawa ang biktima nang harangin ito ng suspek na armado ng patalim. Agad na nasawi ang biktima dala na rin ng tinamo nitong saksak sa katawan habang mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang direksyon.

Dakong alas-6:50 ng gabi ng araw ding iyon, habang naglalaro sa tapat ng kanilang bahay ang magkapatid na Pigcaulan kasama ang tatlo pa nilang kalaro sa Brgy. Ugalingan nang sumulpot muli ang nagwawalang lalaki na may dalang jungle bolo.

Habang abala ang mga bata sa paglalaro ay bigla silang nilapitan ng suspek at walang sabi-sabing pinagtataga ang mga inosenteng bata.

Nagawa namang makatakbo ng tatlong kalaro ng magkapatid na Pigcaulan.

Halos maputol ang leeg ng batang si Abdularazak habang nagtamo naman ng maraming tama ng taga ang kanyang kapatid na si Abdul Hamid na kasalukuyang nasa St. Michael Hospital sa nasabing lalawigan at inoobserbahan sa maselan nitong kalagayan. (Ulat ni Joy Cantos)

ABDUL BAYAN MAKOD

ABDUL HAMID

ABDULARAZAK PIGCAULAN

BRGY

CAMP AGUINALDO

HABANG

JOY CANTOS

NORTH COTABATO

PIGCAULAN

ST. MICHAEL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with