^

Probinsiya

Mag-iina patay sa landslide

-
PARACALE, Camarines Norte – Isang mag-iina na binubuo ng tatlo katao ang nasawi matapos na matabunan ng gumuhong lupa buhat sa kabundukan ang kanilang bahay sa Barangay Malagit sa bayang ito, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawing mag-iina na sina Nemia Velasco Carillo, 26 at ang dalawang anak nito na si Catherine , 10 at Carissa, 7, pawang residente sa naturang lugar.

Samantala ang asawa at isang anak ni Nemia ay masuwerteng nakaligtas sa kamatayan.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang trahedya sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas-2:00 ng madaling araw kahapon sa gitna nang malakas na pagbuhos ng ulan sa Kabikulan dala ng bagyong si Ulpiang.

Napag-alaman na ang mga biktima ay kasalukuyang natutulog sa kanilang bahay ng ang isang malaking bahagi ng bundok sa likuran ng bahay ay bumigay at tumabon sa bahay ng mga biktima.

Ayon sa asawa ng biktima na hindi binanggit ang pangalan na bago ang insidente ay nakarinig siya ng malakas na dagundong kaya agad siyang lumabas ng bahay dala ang anak nilang lalaki.

Hindi na umano niya nakuhang gisingin ang kanyang mag-iina dahil sa bilis ng pangyayari.

Dakong alas-6 na ng umaga kahapon ng isagawa ang rescue operation para makuha ang bangkay ng mga nasawi .

Nabatid pa na may 500 katao ang kasalukuyan na nasa evacuation center sa ibat-ibang paaralan ng naturang bayan sanhi ng malakas na pag-ulan na dala ng bagyong si Ulpiang. (Ulat ni Ed Casulla)

AYON

BARANGAY MALAGIT

BATAY

CAMARINES NORTE

CARISSA

DAKONG

ED CASULLA

ISANG

NEMIA VELASCO CARILLO

ULPIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with