^

Probinsiya

Dahil sa naantalang bonus; sundalo pumatay ng finance officer

-
Dahilan lamang sa pagkakaantala nang pagbibigay ng bonus at allowance para sa kapaskuhan, nagawang paslangin ng isang sundalo ang isang finance officer na nagresulta rin sa pagkasugat ng dalawa pa nitong kasamahan sa naganap na karahasan sa Barangay Latin, Patikul, Sulu, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng hapon sa Headquarters and Headquarters Service (HHS) ng 7th Infantry Battalion ng Phil. Army na nakabase sa nasabing lugar.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Sgt. Jose Freddy Buyon matapos barilin nang malapitan ni Sgt. Steve Ricafrente.

Samantala, sugatan din sa naturang insidente si Pvt. Castillo at isa pang di tinukoy ang pangalan.

Sinabi sa ulat na nainip umano si Ricafrente dahil sa pagpapabalik-balik at nawalan na nang pag-asang matatanggap pa ang kanyang Christmas bonus at allowances ngayong holiday season.

Nabatid na biglang dumating ang suspect sa nasabing tanggapan at tinanong si Buyon tungkol sa kanyang bonus.

Binanggit ng mga testigo na sumagot ang biktima ng "Oo" , subalit maaaring hindi narinig ng suspect dahil sa haba ng pila at ingay ng mga sundalo ring kumukuha ng kanilang bonus.

Mabilis umanong inumangan ng baril ng suspect ang biktima at saka niratrat.

Tinangka naman ni Pvt.Castillo at iba pang sundalo na awatin ang suspect subalit walang humpay ang pagpapaputok nito.

Ilang sandali pa ay tumigil ang suspect at saka lamang ito nadakip ng mga kapwa niya sundalo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY LATIN

BINANGGIT

BUYON

CAMP AGUINALDO

HEADQUARTERS AND HEADQUARTERS SERVICE

INFANTRY BATTALION

JOSE FREDDY BUYON

JOY CANTOS

SGT

STEVE RICAFRENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with