Testigo vs Manero brothers umatras
December 3, 2000 | 12:00am
GENERAL SANTOS CITY Maaaring mapawalang-sala sa kasong double murder ang kontrobersyal na priest killer na si Norberto Manero Jr. at ang kapatid nitong si Artemio makaraang umurong ang pangunahing saksi at humiling na ipabasura ang lahat ng kanyang mga ipinahayag.
Sa naganap na pagdinig sa sala ni Sarangani Regional Trial Court Judge Jaime Infante ng Branch 38, nagulantang ang lahat nang magpahayag si Johana Mamalumpong, nakababatang kapatid ng mga biktimang sina Ali at Mambawatan Mamalumpong na iniurong na nito ang lahat ng kanyang mga ipinahayag sa korte at hindi na ito interesado na ipagpatuloy pa ang nasabing kaso.
Batay sa affidavit ni Johana, pawang klinaro nito ang magkapatid na Manero at tatlo pang akusado sa pagkasangkot sa pagdukot at pagpatay sa Mamalumpong brothers noong Nob. 5, 1977 sa Brgy. Kinilis, Polomok, South Cotabato.
"Ang buong katotohanan ay hindi ko nakita ng personal si Norberto Manero Jr. alyas Kumander Bucay at iba pa nang dukutin ang aking mga kapatid," saad sa nasabing affidavit ni Johana.
Sinabi rin ni Johana na napilitan lamang ito na tumestigo laban kina Manero dahil nais nito na maghiganti, sa tensyon, sa patuloy na pressure, strategy at ang maling impormasyon.
"Ito ay alang-alang sa katotohanan at hustisya upang umibabaw ang kapayapaan sa ating mga puso, hindi ang galit at paghihiganti," wika pa ng witness sa kanyang affidavit.
Kasabay nito ay lumiham din ang pangunahing saksi sa kanyang pribadong abogado na si Atty. Juan Macababad na sinabi nito na nakukonsensya at nakakaranas na ito ng hindi pagkatulog sa gabi habang kanyang pilit na itinatago ang katotohanan.
Sa pag-urong ng saksi, inaasahan ng kanyang mga abogado na maibabasura na ang lahat ng mga kasong isinampa laban kay Norberto na napabalik sa Sarangani provincial jail noong Pebrero habang ang kapatid nitong si Artemio ay nasa kustodya ni Polomok Mayor Clemente Tubo.
Sa darating na Enero 25, 2001 ay nakatakdang magpalabas ng pinal na kautusan si Judge Infante hinggil sa nasabing kaso. (Ulat ni Allen Estabilo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest