6 miyembro ng highway robbery, Akyat-Bahay Gang nasakote
November 26, 2000 | 12:00am
MASINLOC, Zambales Anim katao na pawang miyembro ng highway robbery syndicate at akyat-bahay gang ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa ng umaga sa isinagawang pagsalakay sa mga pinagkukutaan nito sa Brgy. Baloganon at sa bayang ito.
Ayon sa naantalang ulat mula kay P/Sr. Insp. Nilo Santos, hepe ng bayang ito, kanyang kinilala ang mga suspect na sina Lester Sagaoc, 24; Eddie Monte, Rosauro Celes, pawang residente ng Brgy. Baloganon; Totoy Ebalan, Jhonny Ebalan at Jhun Upolinto, kapwa residente sa naturang bayan samantalang pinaghahanap pa ang isa nitong kasamahan na nagngangalang Ludovico Bidol.
Ayon sa ulat, ganap na alas-5 ng umaga nang mahuli ng mga tauhan ng pulisya ang mga suspect sa kani-kanilang pinaglulunggaan dahil sa bisa na rin ng ipinalabas ng Municipal Trial Court (MTC) ng Masinloc.
Nabatid pa sa ulat na ang mga suspect umano ay sangkot sa pagpatay sa isang negosyante na kanilang pinagnakawan ng mga alahas na nakilalang si Jhonny Tan, 34, ng Barangay Lucapon, North Sta. Cruz, Zambales noong Nobyembre 14 ganap na alas-7:30 ng gabi.
Kasalukuyan nang nakapiit sa Zambales Provincial Jail ang mga suspect habang inihahanda naman ang kasong isasampa laban dito. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended