^

Probinsiya

Mister iniwan ni misis, nagbigti

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Isang 40-anyos na lalaki ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti makaraang hindi makayanan ang problema matapos na iwanan ng kanyang misis sa White Gardenia St., Capitol Hills Subdivision, Barangay Lapidario ng lunsod na ito. Nakilala ang nasawi na si Graciano Aniel, ng nabanggit na lugar.

Si Aniel ay natagpuan kahapon na nakabitin sa kisame ng garahe ng kanilang bahay.

Batay sa isinagawang imbestigasyon , dakong alas- 6 ng umaga nang matuklasan ang ginawang pagbibigti ni Aniel. Isang nylon cord ang ginamit nito sa pagbibigti.

Napag-alaman ng pulisya sa ina ng nasawi na simula ng ito ay iwanan ng kanyang misis at mga anak ay naging malungkutin na ito na pinaniniwalaang posibleng dahilan ng isinagawang pagpapakamatay. (Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

ANIEL

BARANGAY LAPIDARIO

BATAY

CAPITOL HILLS SUBDIVISION

CAVITE

GRACIANO ANIEL

ISANG

MADING SARMIENTO

NAKILALA

SI ANIEL

WHITE GARDENIA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with