^

Probinsiya

Shoot-to-kill sa 13 presong pumuga mula sa Provincial Jail

-
LUCENA CITY – May posibilidad na iutos ng korte dito ang ‘shoot to kill order’ laban sa 13 preso ng Quezon Provincial Jail na pumuga sa kanilang piitan noong kasagsagan ng bagyong si ‘Seniang’ dahil na rin sa hanggang sa ngayon ay dadalawa pa lamang sa kabuuang bilang na 15 tumakas ang nadarakip at nangangamba na rin ang mga pamilya ng biktima ng mga ito na sila ay balikan ngayong nakalalaya ang mga nasabing preso.

Ayon kay Regional Trial Court Branch 60 Judge Stephen Cruz na siyang may hawak ng kaso ng tumakas na mga preso, mapipilitan siyang ipag-utos ang ‘shoot to kill’ sa mga pumugang preso dahil mapanganib kung ang mga ito ay patuloy na nakagagala.

Nauna rito ay inatasan na rin ni Quezon Gov. Wilfrido Enverga ang mga awtoridad na pag-ibayuhin ang pagtugis sa mga preso upang hindi makapaghatid ng takot sa mga mamamayan sa lalawigan.

Magugunita na sinamantala ng 15 bilanggo sa Quezon Provincial Jail ang kasagsagan nang pananalanta ng bagyong ‘Seniang ‘ para makatakas sa pamamagitan nang paglagare sa rehas na bakal at pag-akyat sa bakod sa pamamagitan nang pinagdugtong-dugtong na kumot.

Dalawa lamang sa mga tumakas ang nadakip ng mga awtoridad, ito ay sina Romeo Guttierez at Elino Lantin Jr.

Ang mga hinahanap pang preso ay may kinakaharap na kaso ng murder, homicide, rape with homicide at qualified theft. (Ulat ni Tony Sandoval)

ELINO LANTIN JR.

JUDGE STEPHEN CRUZ

QUEZON GOV

QUEZON PROVINCIAL JAIL

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ROMEO GUTTIEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with