^

Probinsiya

Wanted na ex-Marine, nasakote

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang ex-Marine na itinuturing na no. 8 most wanted person sa buong Southern Tagalog Region at sangkot sa pagpatay sa isang tauhan ng pulisya ang iniulat na nasa kritikal na kondisyon makaraang makipagbarilan sa pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Office 4 (RIO4 ) at Regional Intelligence and Investigation Group 4 sa isinagawang police operation sa Barangay Magabe, Balayan, Batangas kahapon.

Kinilala ni Chief Superintendent Lucas Managuelod, PRO4 director ang sugatang suspect na si Alfredo Austria, alyas Rax, ng Barangay Taktak, Balayan, Batangas.

Sugatan din sa naganap na engkuwentro ang isang pulis na nakilalang si PO2 Nino Calleja na nakatalaga sa Balayan MPO, sanhi ng tinamo nitong tama ng bala sa kanang hita.

Ayon kay Chief Inspector Rodolfo Elleva, RIID team leader na si Austria ay sangkot din sa droga na may malawak na koneksyon sa sindikato sa Batangas , at Cavite. Ito ay may patong din P350, 000 sa ulo.

Si Austria ay sangkot sa pagpaslang sa pulis na si SPO1 Crisanto Roxas noong 1997, dakong alas-8 ng gabi sa Tuy, Batangas.

Ang suspect ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Francisco Diamante ng RTC 4, Balayan, Batangas.

Ayon sa ulat, naganap ang engkuwentro dakong alas- 2:45 ng madaling araw habang ang suspect ay nasa kanyang hideout sa Sitio Langkaan, Barangay Magabe, Balayan, Batangas. (Ulat ni Ed Amoroso )

ALFREDO AUSTRIA

AYON

BALAYAN

BARANGAY MAGABE

BARANGAY TAKTAK

BATANGAS

CHIEF INSPECTOR RODOLFO ELLEVA

CHIEF SUPERINTENDENT LUCAS MANAGUELOD

CRISANTO ROXAS

ED AMOROSO

JUDGE FRANCISCO DIAMANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with