^

Probinsiya

3 pa minasaker ng MILF rebels

-
Tatlo katao ang iniulat na nasawi kabilang ang isang sundalo habang apat pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang harangin ng 12 armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng MILF ang isang pampasaherong jeepney na kinalululanan ng mga Kristiyano sa naganap na robbery-massacre sa national highway ng Banisilan, North Cotabato, kamakalawa.

Kabilang sa mga nasawi ay si Sgt. Delfin Rescalar, nakatalaga sa 6th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Gayunman, kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng hindi pa nakikilalang mga bangkay ng dalawa pang sibilyan, samantalang ang apat pang sugatan ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan sa Banisilan.

Batay sa ulat dakong ala-1 ng hapon ng maganap ang insidente sa national highway sa Sitio Kudon, Barangay Salama, Banisilan ng nasabing lalawigan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, punong-puno ng mga pasahero na pawang mga Kristiyano ang nasabing jeepney ng harangin ng mga salarin at sapilitang pinababa ang lahat ng pasahero.

Pinapila umano ng mga suspect ang mga pasahero at saka pinaghiwalay ang mga bata sa mga kababaihan at kalalakihan.

Matapos pagnakawan ng pera, alahas at mga pagkaing dala ang mga pasahero ay pinagbabaril ang mga ito ng suspect.

Nagawa namang makatakbo at makaligtas ng iba pang mga pasahero.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang ginawang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BANISILAN

BARANGAY SALAMA

DELFIN RESCALAR

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KRISTIYANO

NORTH COTABATO

SITIO KUDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with