^

Probinsiya

4 katao kinidnap ng MILF rebels

-
Apat na katao ang iniulat na kinidnap ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Lamitan, Basilan kamakalawa.

Sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Panfilo Lacson, ang insidente ay naganap dakong alas-10:00 ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Felix Acaso, Jose Daraug, Ignacio Flores at Arnold Flores, pawang residente ng Brgy. Upper Colonia, Lamitan Basilan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang mga biktima ay kasalukuyang nangunguha ng niyog ng bigla na lamang sumulpot ang mga armadong suspek at agad tinutukan ng baril at kinaladkad patungo sa direksiyon ng kagubatan.

Wala pang ransom demand na ipinapadala ang mga kidnappers sa pamilya ng mga dinukot na sibilyan kapalit ng kalayaan ng mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARNOLD FLORES

CHIEF DIRECTOR GENERAL PANFILO LACSON

FELIX ACASO

IGNACIO FLORES

JOSE DARAUG

JOY CANTOS

LAMITAN BASILAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

UPPER COLONIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with