Obrero na inakalang lover ni misis, inutas
November 14, 2000 | 12:00am
CAVITE CITY Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 30-anyos na helper, makaraan itong saksakin sa batok ng kanyang amo na nagselos at inakala umano nito na may relasyon ang una sa kanyang asawa kamakalawa ng gabi may Draga Reclamation Area ng lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Renato Perez, may asawa, residente ng nasabing lugar at helper ng suspek sa kanilang karinderya. Samantala, ang suspek na mabilis namang nasakote ng pulisya ay nakilalang si Rene Lumbre, 40.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 Venerando Estrella, na dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng karinderya ay kasalukuyang naglilinis ang biktima ng komprontahin ito ng suspek hinggil sa kanyang nababalitaan na may namumuong relasyon sa pagitan nila at ng kanyang asawa.
Mariin itong itinanggi ng biktima sabay talikod na ikinagalit ng suspek at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa batok. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended