Tunnel gumuho: 3 minero nalibing
November 13, 2000 | 12:00am
MASINOC, Zambales Tatlong minero ng Cotto Mines ang iniulat na nasawi makaraang matabunan ng gumuhong lupa ng yungib na kanilang pinagta-trabahuhan ng bayang ito, kahapon.
Kinilala ni Sr. Insp. Nilo Santos, hepe ng Masinloc Police Station, ang mga nasawi ay sina, Juan Vinluang, 48, ng Brgy. Dulo, Camarines Sur; Mamerto Ibañez, 43, ng Bolinao, Pangasinan at Marcelo Lacerna, Sr., 45, residente ng Tayug, Pangasinan. Ang mga biktima ay pawang mga minero ng Zambales Mineral Chromite Reserve, na ayon sa ulat ay naka-base sa dating Cotto Mines.
Ayon sa impormasyong nasagap ng PSN, bigla umanong bumagsak ang tunnel na binabagtas ng naturang mga minero, dahilan upang silay matabunan ng lupa. Ang pagguho ng lupa ay bunga na rin umano ng pagkakaroon ng soil erosion sanhi ng sunud-sunod na pagdaan ng bagyo na may kasamang malakas na buhos ng ulan nitong nakaraang mga araw.
Ang mga bangkay nina Vinluang at Ibañez ay inabot ng halos dalawang linggo bago naiahon ng mga retrieval team samantalang si Lacerna ay tumagal lamang ng ilang araw dahil sa nasa malambot na bahagi ito ng lupa matapos maganap ang insidente noong Oktubre 17, taong ito.
Inilihim pa umano ng kumpanya ang naturang pangyayari sa kanilang mga empleyado, sa pangambang magkaroon ng kaguluhan sa mga kamag-anakan at pamilya ng mga apektadong mga biktima. Ngunit ang mga kaganapan ay di rin nakalusot sa matalas na kaalaman ng pulisya, kung kaya ito ay kaagad nilang pina-imbestigahan.
Inaalam na rin ngayon ng pulisya kung ang nabanggit na kumpanya ng minahan ay may lisensya. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended