^

Probinsiya

Magsasaka inutas ng pinsan

-
LUCENA CITY – Isang magsasaka ang aksidenteng napatay ng kanyang sariling pinsan habang ang mga ito ay nakikipag-away sa isang grupo ng mga kabataang kumursunada sa kanila kamakalawa ng gabi sa Barangay Silangang Mayao sa lungsod na ito.

Ang biktima na nagtamo ng isang malalim na saksak sa kanyang dibdib na namatay noon din ay nakilalang si Willy Reforma, 27, ng Pagbilao, Quezon habang ang suspek at ang pinsan nitong si Ricky Recido, 18, ng Barangay Silangang Mayao.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi ay naglalakad ang magpinsan sa feeder road ng naturang barangay na galing sa pakikipag-inuman sa kanilang mga kaibigan.

Nadaanan ng mga ito ang isang grupo ng mga kabataan at sila’y sinigawan ng maaanghang na salita. Bunga noon ay nagalit ang magpinsan at nilusob ang mga kabataan hanggang sa magkaroon ng labu-labo.

Habang nasa kainitan ang rambulan ay binunot umano ng suspek ang patalim at sinaksak ang isang lalaki na lingid sa kanyang kaalaman ito ay ang kanyang pinsan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY SILANGANG MAYAO

BUNGA

HABANG

ISANG

NADAANAN

PAGBILAO

RICKY RECIDO

TONY SANDOVAL

WILLY REFORMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with