Japanese national hinoldap bago pinatay
November 8, 2000 | 12:00am
NASUBGU, Batangas Isang Hapon ang pinaghihinalaang biktima ng holdap ang natagpuang patay sa isang barangay sa bayang ito.
Ayon sa naantalang report ng pulis, kinilala ni Nasugbu Deputy Chief Police Inspector Narciso Perez ang biktima sa pamamagitan ng kanyang alien residence certificate na si Tzujimoto Kiyoshi, 58, consultant ng Mitsumi Philippines Inc. ng Bataan Economic Processing Zone.
Si Kiyoshi ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa batok at natagpuang patay sa Sitio Pasong Kawayan, Barangay Banilad sa bayang ito ng isang barangay tanod habang nagpapastol ng kanyang alagang baka noong umaga ng Nobyembre 3.
Ayon sa imbestigasyon, inaasahan ng kompanya ni Kiyoshi na darating siya noong Noyembre 2, ngunit hindi siya nakarating nakalipas na ang 24 oras.
Samantala, hinihinala naman ng mga pulis na maaring dinukot si Kiyoshi pagdating sa airport at pinatay matapos na limasin ang kanyang ari-arian at itinapon ang bangkay sa Nasugbu. (Ulat ni Arnel Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest