Holdaper na pumalag sa pulis, tinodas
November 2, 2000 | 12:00am
MASBATE CITY Isang kilabot na holdaper ng lungsod na ito ang nasawi matapos makipagbarilan sa puwersa ng pulisya sa Barangay Bayombong kahapon ng umaga.
Ang suspek na namatay ay nakilala lamang sa pangalang Manuel Maglente, residente ng Banase Baleno ng lungsod na ito.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga ng agawin ni Maglente ang isang motorsiklong Yamaha RTX na pag-aari ng isang negosyanteng nakilalang si Amadeo Tan ng Aroroy, Masbate.
Matapos na matangay nito ang nasabing motorsiklo, nagsagawa agad ito ng panghoholdap sa negosyante ng halagang P479,000 at mabilis na tumakas.
Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad na mabilis na nagresponde hanggang sa ito ay masukol.
Dahil sa wala ng matatakbuhan, nagdesisyon itong lumaban sa mga awtoridad hanggang sa ito ay mapatay.
Narekober ng mga awtoridad ang motorsiklong ninakaw, kalibre 357 magnum na armas nito at perang tinangay. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest