^

Probinsiya

15 Abu Sayyaf sumuko sa militar

-
Labinlima pang kasapi ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan dala ang kanilang mga armas bunga ng dinaranas na hirap, gutom at pangamba na masawi sakaling mapalaban sa tropang militar sa patuloy na military operations upang iligtas ang dalawa pang nalalabing hostages sa lalawigan ng Sulu.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni Armed Forces of the Phil. (AFP) Chief of Staff Gen. Angelo Reyes, 15 pang Abu Sayyaf ang sumuko sa magkakahiwalay na lugar sa Pata Island at Panglima Estino ng nasabing lalawigan kamakalawa.

Kinilala ang panibagong grupo ng mga nagsisukong bandido na sina Basin Jain, Kadafi, Suraji, Gajer Hamsan, Maysel Badden, Sahial Usmain, Faisal Asbarin, Benjamin Amil, Salamaddin Sampang, Allih Hamis, Tolentino Bungasan, Garri Sampang at Basa Hailani, nakumpirmang pawang tauhan ng ASG Kumander Mujib Susukan.

Dakong alas-4 naman ng hapon makalipas na sumuko ang mga tauhan ni Susukan ay tatlo pang miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko rin sa mga elemento ng militar sa Brgy. Punay, Panglima Estino, Talipa, Sulu na kinabibilangan nina Jara Sahirin, Jammali Agga at Lambuting Jairulla.

Una rito, sumuko ang 19 Abu Sayyaf sa pangunguna ni Commander Taha Aban sa magkakahiwalay na insidente sa Bilaan Proper, Talipao At Bus-bus, Jolo, Sulu.

Ang 12 tauhan ni Susukan ay sumurender kay Capt. Lopez ng Naval Task Group sa Pata Island, Sulu, kamakalawa dakong alas-7:30 ng umaga.

Isinurender rin ng mga nasabing bandido ang 12 caliber .30, M1 Garand rifles at mga bala.

Sa kasalukuyan, ang black American hostage na si Jeffrey Craig Edwards Schilling ay naipasa na ng grupo ni ASG Spokesman Abu Sabaya kay Kumander Abdurajak Andas at ang Filipino diving instructor na si Roland Ullah na kabilang sa orihinal na Sipadan hostages na kinidnap sa Sabah, Malaysia noong Abril 23. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ALLIH HAMIS

ANGELO REYES

ARMED FORCES OF THE PHIL

BASA HAILANI

BASIN JAIN

BENJAMIN AMIL

PANGLIMA ESTINO

PATA ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with