^

Probinsiya

5 COP sinibak dahil sa jueteng

-
BATANGAS CITY – Limang hepe sa iba’t ibang bayan ng Batangas ang sinibak dahil sa patuloy na operasyon ng jueteng sa kanilang nasasakupan.

Sinibak ni Batangas Police Director Florante Baguio sina P/Insp. Narciso Perez ng Sta. Teresita; Chief Insp. Wilfredo Aquino ng Alitagtag; Insp. Pedro Macaraig ng Cuenca; Chief Insp. Flaviano Garcia ng San Pascual at Supt. Gaudencio Masangkay ng Bauan, ngayong nakalipas na Setyembre.

Ipinalit naman ni Director Baguio sina Insp. Noel Sandoval bilang bagong hepe ng Sta.Teresita; Insp. Juan Lanting para sa Alitagtag; Insp. Jonathan Tangonan para sa Cuenca; Supt. Ruben Arade para sa San Pascual at Insp. Ephram Dickson para sa Bauan.

Nagkasundo naman ang lahat ng mga hepe ng Batangas sa harap nina Regional Director Lucas Managuelod at Batangas Governor Hermilando Mandanas na walang masasangkot sa ano mang paraan sa ipinababawal na sugal lalong lalo sa jueteng at kung sino man ang mahulihan ng mga kubrador sa kanilang hurisdikyon ay awtomatikong ilalagay sa floating status. (Arnell Ozaeta)

ALITAGTAG

ARNELL OZAETA

BATANGAS

BATANGAS GOVERNOR HERMILANDO MANDANAS

BATANGAS POLICE DIRECTOR FLORANTE BAGUIO

BAUAN

CHIEF INSP

CUENCA

DIRECTOR BAGUIO

INSP

SAN PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with