^

Probinsiya

Nobyo tinodas ng nobya bago nagsaksak

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Kalunos-lunos na wakas ang sinapit ng isang 18-anyos na gulang na dalagita makaraan siyang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng kanyang kasintahan na matapos ang ginawang krimen ay nagtangka ring magpakamatay sa pamamagitan nang pagsaksak sa sarili, kamakalawa ng umaga sa San Jose City, Nueva Ecija.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Arlyn Grace Lindain, food attendant sa isang fastfood chain at 2nd year college student sa Central Luzon State University.

Si Lindain ay mabilis na isinugod sa Heart of Jesus Hospital subalit namatay din ito sanhi ng tinamong malalalim na saksak sa katawan.

Samantala, mahigpit namang binabantayan ng pulisya ang kasintahan nito na nakilalang si Rommel Companero, 23, ng Barangay Rafael Rueda Sr. na kasalukuyang ginagamot sa Paulino J. Garcia Memorial and Medical Center dulot din ng tinamo nitong malalalim na saksak sa tiyan.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas- 8:15 ng maganap ang insidente habang ang magkasintahan ay nasa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa ilang kapitbahay na saksi, narinig nilang nagtatalo at nagsisigawan ang mag-nobyo sa loob ng bahay hanggang sa makita nila na mabilis na lumabas ng bahay ang babae.

Hinabol naman ito ng lalaki at pakaladkad na ipinasok sa loob ng bahay.

Makalipas ang ilang sandali ay namagitan ang katahimikan.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay umuwi ang ina ng biktima at doon natuklasan ang duguang bangkay ng dalawa na nakahandusay sa lapag.

Binanggit sa ulat na matapos saksakin ng suspect ang kanyang kasintahan ay tinangka nitong magpakamatay.

Sinabi pang gusto na umanong makipagkalas sa kanilang relasyon ng babae subalit hindi matanggap ng lalaki na posible nitong ikinagalit. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ARLYN GRACE LINDAIN

BARANGAY RAFAEL RUEDA SR.

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

GARCIA MEMORIAL AND MEDICAL CENTER

HEART OF JESUS HOSPITAL

JEFF TOMBADO

NUEVA ECIJA

PAULINO J

ROMMEL COMPANERO

SAN JOSE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with