^

Probinsiya

Fastfood idinemanda ng customer

-
ANTIPOLO CITY – Isang sumisikat na Chinese fast food restaurant ang nahaharap ngayon sa P1.4 milyong kasong sibil matapos na sampahan sila ng naging isa nilang kustomer sa Antipolo City Regional Trial Court dahil umano sa paghahain nila ng panis nang mga pagkain sa mga kustomer.

Sa walong pahinang affidavit na isinumite ni Edward Allan Pena, inakusahan niya ang H Food Corporation, may-ari ng Hen Lin Mami House ng paghahain ng mga bulok na mga pagkain sa kanilang mga kustomer.

Ayon sa kanya, nagsampa siya ng kaso matapos na mapansin ang maduming sistema ng pagkain dito. Ginagawa umano niya ito hindi upang siraan ang kompanya ngunit upang maprotektahan ang mga kustomer na tulad niya.

Bukod dito, sinabi ni Pena na bumili umano siya ng prangkisa nito sa Marikina. Dito umano niya nakita ang masamang kundisyon ng mga produktong idini-deliver sa kanyang restoran ng H. Food Corp. Matapos ang ilang pagrereklamo at pagtanggi sa mga deliveries, tinanggihan umano siya ng prangkisa ng kompanya.

Nagpakita rin si Pena ng video footage ng nilalangaw na loob ng delivery van ng Hen Lin at ang hindi pagkakaroon ng refrigeration ng pagkain sa pagde-deliver. Ayon sa kanya, sa layo ng ibinibiyahe mula sa Parañaque City hanggang sa Marikina, panis na umano ang mga pagkain na nakakarating sa kanila. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO CITY REGIONAL TRIAL COURT

AYON

DANILO GARCIA

EDWARD ALLAN PENA

FOOD CORP

H FOOD CORPORATION

HEN LIN

HEN LIN MAMI HOUSE

PENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with