Broadcaster binaril ng ex-mayor, grabe
October 11, 2000 | 12:00am
LEGAZPI CITY Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang dating mayor ng bayan ng Jovellar, Albay matapos nitong barilin ang isang broadcaster at publisher sa labas ng Lady Ann Pub House sa Peñaranda St. ng lungsod na ito kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Rowell Endrinal, 40, may asawa, komentarista ng radio DZRC at isang publisher ng lokal na pahayagan sa Bicol Metro News at residente ng Barangay Oro Site ng naturang lungsod.
Kinilala ang suspect na si ex-Mayor Jose "Boy" Arcangel, Jr., 50, may asawa, negosyante at residente ng Jovellar, Albay.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril sa biktima dakong alas-3 ng madaling araw kahapon habang ang biktima ay bumibili ng sigarilyo sa labas ng naturang pub house.
Napag-alaman na bago naganap ang insidente, ang biktima at suspect kasama ang isa pang mayor ay nakitang magkakasamang nag-iinuman sa Santuario ng Casablanca Hotel.
Nang malasing ang suspect ay sinimulan nitong murahin at duruin ang biktima sa harap ng kanilang inuman, kung kaya ang biktima ay nagpaalam na lamang para umuwi.
Subalit nagpumilit ang suspect na sabay-sabay na silang lalabas para umuwi dahil sabay-sabay silang pumasok sa naturang lugar na humantong sa mainitang pagtatalo.
Nang makalabas ang biktima, kaagad na sinundan ng suspect at saka pinagbabaril. Matapos ang pamamaril ay mabilis itong tumakas. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest