Napatunayang nagkasala sa kasong grave misconduct sa naganap na summary dismissal proceedings sina SPO4 Amy Cajandab, chief of police ng Allen Municipal station at si SPO3 Alfonso Rarela head ng Allen Police Assistance Office (APAO) sa Ferry Terminal sa Brgy. Looc, ng nabanggit na lalawigan.
Sa ulat na ipinarating ni Chief/Supt. Efren Fernandez, PRO-Director ng Eastern Visayas, ang sanction laban kina Cajandab at Rarela ay may kaugnayan sa kampanya ng kabuuang PNP na madisiplina.
Ayon kay Fernandez, ang APAO ay pinamumunuan ni Rarela na nakatalaga sa loob ng pribadong pier na walang awtoridad mula sa mga operators ng pribadong pag-aari ng port.
Ayon sa mga nagrereklamong motorista, kinakailangang pang idaan ang kani-kanilang mga sasakyan sa APAO para sa inspeksyon, stamping at payment ng mga fees bago ito maisakay sa mga ferry boats patungong Sorsogon.
Dahil sa kawalan ng aksyon at hindi maihinto ni Cajandab ang umanoy mga iregularidad sa APAO, napatunayang ang una ay nagkasala sa doktrina ng "command responsibility". (Ulat ni Jhay Mejias)