Army officer todas sa ambush ng NPA
October 7, 2000 | 12:00am
JUBAN, Sorsogon Isang intelligence officer ng Phil. Army ang nasawi matapos na ito ay tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang nakasakay sa kanyang motorsiklo sa Barangay Aroroy sa bayang ito, kahapon ng umaga.
Nakilala ang nasawi na si Sgt. Joel Alarsio, 38, nakatalaga sa 2nd Infantry Battalion ng Phil. Army at tubong Buhi, Camarines Sur.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang pananambang sa biktima dakong alas- 8: 30 ng umaga kahapon habang ito ay lulan ng kanyang motorsiklo patungong Poblacion, Sorsogon.
Pitong rebeldeng NPA na pawang armado ng M-16 armalite rifle ang sumalubong dito at walang sabi-sabi pinaulanan ng putok ng baril ang biktima.
Nabatid na sasalubungin ng biktima ang kanyang asawa sa kabilang ibayo dahil sa matagal na rin umano siyang hindi nakakauwi sa kanila nang maganap ang pananambang.
Binanggit pa sa ulat na ang pinagtambangang lugar sa biktima ay may layong dalawang kilometro lamang sa detachment ng 2nd Infantry Battalion sa Barangay Ayog ng naturang lugar.
Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng militar para tugisin ang mga rebelde na tumambang sa biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest