EDSA Busway, aakuin na ng DOTr sa 2027

MANILA, Philippines — Pamamahalaan na ng Department of Transportation (DOTr) ang buong operasyon ng EDSA Busway, kasama na ang pagpapanatili ng mga footbridge, simula sa taong 2027.
Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon, na ang layunin ng hakbang ay maalis ang sistema ng pagtuturuan sa pagitan ng mga ahensya at masiguro ang sapat na badyet para sa maintenance.
Kabilang sa hahawakan ng DOTr ang pagkukumpuni at seguridad ng mga pasilidad tulad ng mga elevator, ilaw sa overpass, at kalinisan ng mga istasyon.
Kasabay nito, patuloy na nananawagan ang DOTr na maibalik ang panukalang P1.756 bilyong pondo para sa EDSA Busway sa 2027 National Expenditure Program (NEP) matapos itong magkaroon ng zero allocation sa orihinal na panukala. Nagdagdag na ang DOTr ng 50 bus para sa fleet nito at umaabot na sa humigit-kumulang 400 bus, at plano pang magdagdag ng pang 50 bus bago magtapos ang Disyembre bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero ngayong kapaskuhan.
- Latest















