^

Police Metro

VP Duterte, nagbabala sa charter change

Mer Layson - Pang-masa

Upang mapalawig sa puwesto si Marcos Jr.

MANILA, Philippines — Posibilidad umanong amiyendahan ang Konstitusyon upang mapanatili si Pang. Bongbong Marcos sa puwesto.

Ito ang pangamba ni Vice President Sara Duterte sa panayam sa kanya sa The Hague, Netherlands kung saan siya naroroon upang bisitahin ang naka­piit na amang si dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay VP Duterte, na ang dapat na gawing prayoridad ng administras­yon ay ang economic re­covery sa halip na mga hakbang na pampulitika.

Inakusahan din niya ang pamahalaan na gina­gamit ang government resources upang pahinain ang political opposition, sa gitna na rin ng lumalalang political tensions sa bansa.

“Una n’yan si dating­ Pangulong Duterte, sunod­ n’yan si Senator Bato at ano pang ibang sinali sa complaint kuno. Ang sunod n’yan ay Charter change dahil ‘di naman na made-deny ni BBM dahil doon sa bago niyang interview ng Bloomberg, sinabi n’ya na kailangan ng pag-usapan ‘yan. Pagpinag-usapan na ‘yan, ‘di na ‘yan bababa sa puwesto,” babala ni Duterte.

“Yan din sinabi ni President Duterte kanina, sabi niya: Pilipinas mag-ingat kayo, dahil ‘di na ‘yan aalis sa puwesto,” aniya pa.

CHARTER CHANGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with