^

Police Metro

5 katao todas sa sunog

Jorge Hallare, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang katao ang nasawi nang masunog ang malaking bahagi ng Sorsogon City Public Market, Sorsogon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, pasado alas-10:00 ng gabi ay nagulantang ang mga residente nang makitang naglalagablab ang isang bahagi ng palengke.

Ilang sandali lang ay lumakas ang apoy at kumalat pa sa malaking bahagi ng public market.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at pilit na inapula ang nangangalit na apoy.

Pasado, alas-11:00 ng gabi nang tuluyang naapula ang sunog na ikinatupok nang maraming mga pwesto.

Sa ginawang mopping up operation ay isa-isang natagpuan ang limang bangkay na pinaniniwalaang na-trap sa isang variety store na pag-aari ng isang tinukoy na Gng. Talong.

Ilang oras bago ang pagkakatagpo sa mga biktima ay iniulat ng isang babae na tinukoy sa pangalang Lor, na nawawala ang kaniyang kapatid na babae, pamangking babae at tatlong lalaking vendor.

Ayon sa BFP-Sorsogon City, hindi pa malaman ang pagkakakilanlan ng mga biktima maging ang kanilang kasarian dahil halos maabo na ang kanilang katawan.

Inaalam na rin ang pinagmulan ng sunog at nagsasagawa ng pagtaya sa halaga ng napinsala sa insidente.

SORSOGON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with