Oral arguments at TRO sa BSKE postponement hiling sa SC

MANILA, Philippines — Magdaos ng oral arguments at maglabas ng temporary restraining order laban sa Republic Act 12326 na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Nobyembre 2, 2026 patungong ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028 at nagtatakda ng 5-taong termino sa barangay at SK officials.
Ito ang hiniling ni election lawyer Romulo Macalintal sa Korte Suprema na batay ito sa urgent motion na inihain online nitong Linggo, Oktubre 25.
Sa nasabing petisyon, inatasan ng Mataas na Hukuman ang mga respondent na Office of the President sa pamamagitanng Executive Secretary, Senado at Kamara at Commission on Elections na magkomento.
Iginiit ng OSG na ibasura ang petisyon dahil political question ang pagtatakda ng termino.
Sa panig ni Macalintal, sinabi niya na malinaw sa Section 5 ng batas ang extension ng termino ng incumbents.
Aniya, handa na ang Comelec at gumastos na ng P8 bilyon para sa 2026 BSKE, kaya kung hindi na maisasagawa ang Nobyembre 2, 2026, atasan nito ang Comelec na idaos ito sa petsang pinakamalapit alinsunod sa Section 6 ng Omnibus Election Code.
- Latest
















