Rider, angkas utas sa pick-up

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider at kanyang angkas nang salpukin sila ng isang Ford Ranger pick-up truck sa highway, Barangay Dadiangas East, General Santos City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina Elven Mekutika, 21, at angkas ng kanyang Yamaha Sniper na si Emjay Ronquillo, 26-anyos sanhi ng mga sugat at bali na kanilang tinamo.
Sugatan at naisugod sa isang ospital ang isa pang angkas ng naturang motorsiklo na si Valerie Lapinib, 18-anyos, kapwa residente ng General Santos City.
Sa ulat ng pulisya, madaling araw nitong Linggo nang magsalpukan ang motorsiklo ng mga biktima at isang Ford Ranger pick-up truck na minamaneho ni Shaun Paul De Guzman Catumal, 40, sa Digos-Makar Road at Camias Street junction sa Barangay Dadiangas East.
Ang driver ng pick-up ay nasa kustodiya ng pulisya at mahaharap sa kasong criminal.
- Latest

















