‘Impeachment vs VP Sara swak na sa Senado’

106 boto lang ang kailangan
MANILA, Philippines — Nangangailangan lamang ang Kamara de Representantes ng 106 na boto ng mga Kongresista sa plenaryo para maipadala na ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte para sa “full trial” sa Senado.
Sinabi ni House Committee on Public Accounts Chairman Terry Ridon (Bicol Saro Partylist), ang 106 na boto ay 1/3 ng kabuuang mahigit 300 miyembro ng Kamara na rekisitos sa impeachment para maikyat sa Senado.
Sa Mayo 4 ay magpupulong muli ang House Committee on Justice na pinamumunuan ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro para pag-isahin ang Fr. Joel Saballa impeachment complaint na ikatlong impeachment at ang inihaing ikaapat na impeachment complaint ni Atty. Nathaniel Cabrera kung saan ay gagawa ng resolusyon at report ng komite.
Ang nasabing resolusyon at report ng komite sa mga naging kaganapan sa pagdinig ay isusumite naman sa House Committee on Rules para maikalendaryo na sa plenaryo ang botohan sa impeachment.
Sinabi ni Ridon, miyembro ng Justice panel tiwala siyang makakakuha ng sapat na boto sa impeachment laban kay VP Sara para maipasa na ang reklamo sa Senado at simulan ang paglilitis “forthwith”.
- Latest
















