^

Police Metro

Eala laglag sa bronze

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Tansong medalya muli ang nakamit ni Pinay tennis sensation Alex Eala sa pagtatapos ng kanyang kampanya sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Minalas ang World No. 18 na si Eala kontra kay No. 85 Wang Xiyu ng China, 6-3, 3-6, 2-6, sa kanilang women’s singles semifinal match kahapon sa Higashiyama Park Tennis Centre Court.

Sa kanyang Asiad debut noong 2022 edition sa Hangzhou, China ay bronze medal din ang nakuha ng 21-anyos na si Eala bukod sa isa pang bronze sa mixed doubles kasama si Francis Casey Alcantara.

Imbes na maglaro sa China Open sa Beijing - isang WTA 1000 tournament na kinakailangang lahukan ng mga Top 30 players kagaya niya - ay mas pinili ni Eala na muling lumaban para sa Pilipinas sa Aichi-Nagoya Asiad.

Dahil dito ay nahaharap si Eala sa $10,000 fine bukod sa zero points sa hindi niya pagsali sa China Open.

Ngunit hindi ito inisip ng Pinay netter at sumabak sa kanyang ikalawang sunod na Asiad appearance.

Nagmula ang 5-foot-9 na si Eala sa 7-5, 6-0 pagsibak kay No. 143 Joanna Garland ng Chinese Taipei sa quarterfinals para itakda ang kanilang duwelo ng 5’11 na si Wang.

Matapos kunin ni Eala ang first set, 6-3, ay nakabangon sa second frame ang 28-anyos na si Wang para ilista ang 5-1 kalamangan patungo sa 6-3 panalo at itabla ang laro sa 1-1.

Sa third set ipinoste ng Chinese ang 4-1 bentahe na naidikit ni Eala sa 2-4.

Ngunit ang mga unforced errors ni Eala ang sinamantala ni Wang para tuluyan nang tapusin ang kanilang semis duel sa loob ng dalawang oras at 34 minuto.

Lalabanan ni Wang para sa Asiad gold ang kababa­yang si No. 57 Shuai Zhang.

Talo rin si Eala sa women’s doubles katambal si Shaira Rivera matapos masibak sa second round.

  

JAPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with