Gov. Helen Tan, itinanghal bilang Outstanding
Governor of the Philippines For Luzon Island
MANILA, Philippines — Itinanghal si Quezon Governor Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan bilang Outstanding Governor of the Philippines (1st-3rd class Category for Luzon Island) sa ginanap na Gawad Parangal Awarding Ceremony kahapon Abril 28, 2026 sa KCC Mall Convention Center, Zamboanga City.
Bahagi ang parangal na ito nang pagdiriwang ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. (ALSWDOPI) ng 29th National Social Welfare and Development Forum and General Assembly na may temang “LSWDO’s Build Together for Empowered Individuals, Families, and Communities Embracing Global Humanitarian Strategies through Ethical Standards of Social Work Practices.” Kinilala ng ALSWDOPI ang natatanging dedikasyon at pagsisikap ni Doktora Helen upang maisulong ang mga makabagong programa para sa mas inklusibo at may mataas na kalidad na social welfare and development services para sa mga Quezonians.
Kabilang na rito ang mga programa sa ilalim ng HEALING Agenda na naghatid ng serbisyong tunay na maaasahan at may natural na pagkalinga sa mga sektorng kalusugan,edukasyon, agrikultura, kabuhayan, imprastraktura, kalikasan at turismo, at mabutingpamamahala.
- Latest















