^

Police Metro

NTF-ELCAC: Amnesty program malaking tagumpay, hindi ‘epic fail’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinuturing ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na malaking tagumpay ng pamahalaan ang Amnesty Program ang pagsuko ng mahigit 16,000 dating rebelde kaya’t isinusulong ngayon ang pagpapalawig nito ng dalawang taon, o hanggang 2028.

Sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto C. Torres Jr., ang malawak na pagtugon sa programa ay patunay ng malinaw na pagbabago sa sitwasyon sa lupa, kung saan pinipili na ng mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kapayapaan kaysa armadong pakikibaka.

“Ang mga numero na mismo ang nagsasalita.Hindi ito kabiguan—ito ay tahimik ngunit matibay na tagumpay para sa kapayapaan,” ani Torres, kasabay ng pagtanggi sa pahayag ng CPP na ang programa ay isang “epic fail.”

Binigyang-diin niya na ang Amnesty Program ay boluntaryo at nakabatay sa batas at walang anumang pamimilit na nagaganap.

Ayon kay Torres, nakatanggap na ang pamahalaan ng 16,003 aplikasyon na lampas sa unang target na 10,000.

Sa naturang bilang ang 13,633 ay aktwal na mga mandirigma at tagasuporta ng armadong kilusan sa ilalim ng CPP-NPA-NDF. 

AMNESTY PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with