^

Police Metro

Radio reporter inaresto

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ang isang radio reporter dahil umano sa pag-ulat sa Manila councilor na may kasong panghahalay sa isang menor de edad.

Si DZRH reporter Misael “Boy” Gonzales Jr. ay dinakip kasunod ng reklamong inihain ni Manila Councilor Rosalino “Jun” Ibay Jr. na nahaharap sa hiwalay na kaso ng umano'y lascivious conduct sa isang 17-anyos na menor de edad.

Noong Setyembre 2025, inisyuhan ng arrest warrant ng Manila Regional Trial Court Branch 4 si Ibay kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610, as amended by Republic Act No. 11648, na may itinakdang piyansa na P400,000.

Ayon kay dating NBI Director Jaime Santiago, dinala umano ni Ibay na noo’y retiradong police colonel, ang isang 17-anyos na babae sa isang motel sa Pasay City.

Sinabi rin ni Santiago na sinubukan umanong makipag-areglo ni Ibay sa mga magulang ng menor de edad, ngunit tumanggi ang pamilya.

Inaresto si Gonzales, 66, bandang10:50 ng umaga nitong Miyerkules sa harap ng gusali ng Department of Justice sa Padre Faura St. sa Ermita, kaugnay ng reklamong inihain ni Ibay sa paglabag sa Data Privacy Act.

Isinagawa ang pag-aresto ng mga operatiba ng District Police Intelligence and Operations Unit (DPIOU) ng Manila Police District.

Nagtakda ang korte ng piyansang P18,000 para sa kaso ni Gonzales.

Samantala, nakatakdang maglabas ng desisyon ang tanggapan ni Pangulong Bongbong Marcos kung sususpendihin nito si Manila Councilor Ryan Ponce na nahaharap sa kasong sexual harassment na isinampa ng kapwa nito konsehal.

Matatandaang kinasuhan ni Manila Councilor Eunice Castro si Ponce dahil umano sa paglabag sa Safe Spaces Act (RA 11313) sa ilalim ng gender-based online sexual harassment at gender-based sexual harassment in workplace, gayundin ang acts of lasciviousness, kaugnay ng umano’y mga mensahe at kilos na una na niyang ibinunyag.

MANILA COUNCILOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with